Mahal na graduation fee kahit may krisis

MALAPIT na ang gradwesyon ng mga mag-aaral.

Ang sabi ng gobyerno, dapat simple lang ang lahat.

Yang graduation fee ay dapat nga umanong hindi sisingilin sa mga bata.

Sa parte ito ng Department of Education. Ang rason, eh, matindi ang krisis na kinahaharap ni Juan.

Pero sa Commission on Higher Education?

oOo

Kung pupunta ka sa mga iskul, hindi umuubra ang habilin ng DepEd.

Ang CHED naman ay lalong walang nagagawa para kontrolin ang mga unibersidad, maging ang State Universities and Colleges.

Para sa mga ordinaryong pablik elementari at haiskul, umaabot ang bayarin ng mga magtatapos sa daan-daang piso. Nasa P500 mor or les.

May para sa diploma, medalya, litrato, garland at sampaguita, upa sa lugar, kuryente, sounds, toga at marami pang iba.

Yung mga nasa kolehiyo?

Yan ang umaabot ng libo-libong piso. May alumini fee, graduation fee, yearbook, upa sa lugar o venue, graduation ring, toga, diploma, piktyur, transcript of records at marami pang iba.

Pero pinakamatindi ang reception. Alam ba ninyo na minimum na bayarin sa reception ay nasa P3,000 ba-wat isang estudyante dahil may kasama siyang isang magulang?

Ginagawa kasi ang reception sa mga sikat na otel.

Kaya nga, umaabot ang minimum na gastos sa gradwesyon sa kolehiyo sa P5K.

Para sa mga SUC lang ito.

oOo

Op kors, para sa ilang magulang, wans o tways o trays lang na-man in a layptaym ito.

Kaya go lang sila.

Pero para sa nakararami, hindi na nila kaya ang gastos kaya hindi sila
nagbabayad.

Ang problema, Suki, pag kinuha ni kalids gradweyt ang kanyang transcript of records, naniningil ang iskul.

Iyakan na ang kasunod, Suki.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply