Mahigit 60,000 banyaga nag-aaral sa PHL

UMAABOT na sa bilang na mahigit 60,000 dayuhan ang kumukuha ng iba’t ibang kurso sa mga kolehiyo at unibersidad sa Pilipinas.

Ito ang inihayag ni Immigration Commissioner Ricardo David, Jr.  base na rin  sa kanilang pinakahuling istatistika.

Tinutukoy ni David ang BI Student Desk na umabot na sa kabuuang 61,601 ang aplikante para sa student visa at special study permit o SSP na inaprubahan naman ng kawanihan noong 2011.

Ang paggamit ng English bilang medium of instruction sa mga paaralan sa bansa ayon kay David ang dahilan ng pagdami ng foreign student sa Pilipinas.

Una nang naghigpit ng pag-iisyu ng student visa at special study permit ang BI dahil na rin sa presensiya ng pekeng estudyante sa bansa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply