Mahigpit sa LTO-NCR

GALING lang ang Free Spits noong Lunes kay Land Transportation Office NCR Director Atty. Teofilo Guadiz at nalaman natin na sobrang higpit pala itong bagong director ng NCR na ito.

Aba, eh, akalain mong sa lo-ob ng 15 buwan pa lang na pagkakaupo niya eh limang tauhan nang ahensiya na ang iniimbestigahan niya sa anomalidad.

Hindi lang iyon, maging ilang  local government unit executives ay sinisilip na rin niya sa kasong pagprotekta sa mga kolorum na public utility vehicles sa Kalakhang Maynila.

Ayon kay Guadiz, ang limang iniimbestigahan niya ay sangkot sa proteksyon ng mga colorum public transportations tulad ng bus at jeep at taxi.

Nadiskubre kasi ng opisina niya na kaya walang mahuli ang operasyon ng LTO ay dahil itinitimbre na ng lima ang operasyon bago pa ito masimulan.

Sa sobrang sangkot ng limang ito, nahuli nina Guadiz ang ilang kolorum taxi na nagrereklamo sa kanila kung bakit sila nahuli eh protektado naman sila.

CARNAP NA FX GINAGAMIT NA TAXI

Ang masakit nito, may nahuli sila Guadiz na carnap na FX na ginagamit pang Taxi.

Laking gulat daw nila sa lakas ng loob ng mga kolorum operator na pati ang isang nakaw na sasakyan ay kaya nilang iparehistro bilang taxi at gamitin pa ito nang walang takot.

Ipinadala na ni Guadiz ang ulat sa central Office ng LTO at LTFRB upang imbestigahan nila ang kaso.

Pero walang inaasahang resulta ang Free Spits sa kasong ito dahil malamang ang mag-imbestiga ay yung may sala rin.

SABUNIN ANG MGA KOLORUM

Kasabay nito, niyaya tayo ni Guadiz na panoorin ang ginagawa niyang pagsabon sa mga kolorum na taxi at jeepney sa Cubao area.

Literal na pinagsasabon ni Guadiz at mga tauhan niya ang mga kolorum na taxi at Jeep sa Cubao ng bugahan nila ng sabon ang mga ito at iskobahin para malinis.

Hindi nga lang makapasok sa loob ng Araneta Center ang LTO cops dahil pinipigil umano sila ng mga sikyu ni DOTC Secretary Mar Roxas na boss ni Guadiz.

Nais daw nila “literally and figuratively” na linisin ang mga kolorum sa Metro Manila.

Sa  kampanya  nila, gagawin nilang mas mahirap para sa mga kolorum ang mag-operate sa Metro Manila.

Target nila ang mga siyudad ng Muntinlupa, Pasay at maging Navotas. Dito kasi nakaumpok ang mga iligal na terminal na kumakanlong ng mga kolorum na jeep at taxi.

Tinukoy naman ni retired P/Supt. Marcelo Langurayan, hepe ng law enforcement division ng NCR ang mga lugar ng Ala-bang,  Starmall sa Shaw Boulevard, Daang Hari sa Las Pinas, Aurora Blvd. sa Cubao, Quezon City, Buendia sa Pasay at EDSA Taft Rotonda na talamak sa iligal na terminal ng jeep, bus at fx.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply