M’cañang kay Corona: ‘No Lenten ceasefire’

WALANG balak ang Malakanyang  na magdeklara ng Lenten ceasefire sa kampo ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Ang katwiran ni Deputy presidential spokesperson Abigail Valte, walang dahilan para manahimik si Pangulong Benigno Aquino III kung patuloy naman ang pagkastigo sa kanya ni Corona.

“Mukhang nasagot ng Pangulong Aquino ang sinasabing ceasefire at ang thoughts ng pangulo, ‘if and when I feel I can clarify certain things for the public,’ he will not hesitate to do so,” ayon kay Usec. Valte.

Nauna rito, walang nakikitang mali ang Chief Executive sa kanyang pagbatikos kay Corona dahil may demokrasya ang bansa at malaya ang bawat isa na ihayag ang kanilang saloobin.

Nauna rito, nilinaw ng Punong Ehekutibo na hindi naman personal ang kanyang pag-atake kay Corona kundi sa sistema ng korapsyon sa Korte Suprema.

Ang Pangulong Aquino ay nasa Aurora ngayon kung saan ay pinasinayaan ang P509 milyon halaga ng ospital na pinondohan ng Japanese government.

Samantala, ang paglutang ni Justice Secretary Leila de Lima sa Senate impeachment trial ay pagpapatunay lamang na nakikiisa ang Executive Department sa impeachment court.

“Tayo ay sasagot kung tayo ay pinatawag,” anito.

Sinabi pa ni Usec. Valte na walang gag order na pinalabas ang Pangulong Aquino sa lahat ng opisyal na sumasailalim sa Executive Department.

Aniya, ang mga opisyal ng pamahalaan gaya ng mula sa Palace record officer hanggang sa registry of deeds ay tumayo na bilang testigo.

Bukas naman ang Malakanyang na makipag-usap sa mga alagad ng simbahan o obispo kaugnay sa iba’t ibang usapin kabilang na ang land reform.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply