Malakanyang: Leaked docus ‘di galing BSP, Amlac

MALABONG nagmula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) o sa Anti-Money Laundering Council (Amlac) ang nag-leak na bank records ni Chief Justice Renato Corona. Ito ang inihayag ngayon ng Malakayang.

Sa testimonya ni Pascual Garcia, presidente ng Philippine Savings Bank (PSBank) sa impeachment court, tila lumalabas na posibleng mula sa BSP at Amlac ang leakage sa naturang dokumento dahil isinagawang audit ng mga ito.

Nabatid kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda,mali ang sinabing impormasyon ni Garcia, at maging ang BSP ay itinaggi ito.

Ani Lacierda, base sa pahayag ng BSP, na hindi kinalkal ang bank accounts ng punong mahistrado.

Hindi rin umano ginagamit ng Malakanyang ang BSP o ang Amlac upang habulin ang mga kalaban ng administrasyon.

Sinabi rin ng Malakanyang na hindi nila dinidiktahan ang Amlac dahil isa itong independent body na mayroon umanong sinusunod na procedure.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply