Malakanyang tahimik sa Valentine date ni PNoy

TAHIMIK ang Malakanyang kung may Valentine date si Pangulong Benigno Aquino III.

Ani Presidential spokesman Edwin Lacierda, bagama’t walang iskedyul ang Chief Executive sa labas ng Malakanyang ay wala naman siyang ideya kung inilaan niya ang araw na ito sa kanyang nililigawang TV host na si Grace Lee.

Ang iskedyul lang ng Pangulong Aquino kanina ay Staff Meeting sa Private Office; pakikipagpulong kay Executive Secretary Paquito Ochoa Jr.; sa Private Office; pakikipagpulong kay DILG Sec. Jesse Robredo sa Study Conference Room at pakikipagpulong sa mga opisyal ng OES at PMS sa Private Office.

Ang sigurado lang si Sec. Lacierda ay ang pagkikita-kita ng buong pamilya Aquino sa kaarawan ng presidential sister na si Kris Aquino.

“Well, he has a meeting but he has several meetings. As to the private meetings, I wouldn’t be able to comment. By the way, it’s birthday of Kris Aquino. Happy Birthday, Kris,” ayon kay Sec. Lacierda.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply