Malinis na kapaligiran kailangang isulong

MAHALAGA na ang kapaligiran ay malinis.

Pero, tila, hindi ito ang nakatatak sa kaisipan ng nakararaming Juan dela Cruz.

Dahil, kung sa kanila’y mahalaga ang kalinisan, ‘disin sana’y walang dumi at basura sa mga kalsada at bawa’t sulok ng mga barangay.

Oo nga’t may mga malilinis na lokalidad, ngunit, mas marami ang maruruming lugar.

Kaya nga ‘di umuunlad ang bayan ni Juan.

‘Di naman siguro nagkukulang ang gobyerno sa pagpapalaganap ng kahalagahan ng kalinisan, subalit bakit ‘di tayo makasunod!

Marami sa mga opisyal ng pamahalaan ang naniniwala na ang kalinisan ay maaring magsilbing ‘susi’ tungo sa kaunlaran.

At isa sa mga ito ay si Vice Mayor  Antolin ‘Lenlen’ Oreta lll, anak ng nagsilbing kongresista at Senadora Tessie Aquino – Oreta.

Katunayan, kanyang pangungunahan ang ‘anti-littering caravan’ na isasagawa sa 21 barangay ng lungsod, simula sa Pebrero 11.

Iikot ang grupo ng Bise Alkalde sa mga barangay para sa pagsasagawa ng forum upang talakayin ang isinasaad ng ‘anti-littering law.’

Inaprubahan kamakailan sa Sangguniang Panglunsod, layunin ng ordinansa  na maiayos ang pamamahala ng basura sa lungsod.

Ang Malabon ay mababang lugar kaya malimit bahain.

At isa sa pinaniniwalaang dahilan ng pagbaha ay ang tone-toneladang basura.

Ang kawalan ng disiplina ng mamamayan sa pagtatapon ng dumi at basura sa mga daluyan ng tubig ay uga-ling dapat na magamot.

Sa nasabing ordinansa, binanggit dito ang dapat gawin ng mga mamamayan at mga parusa na ipapataw sa mga lalabag dito.

Kailangan ng pamahalaang lungsod ang tulong ng mga lider ng barangay at mga residente para masigurong magtatagumpay ito.

Dapat malaman ng mga kapitan, kagawad at mga residente na ang labang kontra
basura ay laban ng lahat ng mga taga-Malabon City.

Magdadala ito ng siksik na benepisyo sa mga taga-lungsod kaya – huwag  balewalain ang nasabing ‘anti-littering ordinance.

‘Yan ang hiling at pakiusap ng butihing Vice Mayor Lenlen Oreta sa kanyang mga kababayan sa lungsod ng Malabon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply