Mang-aapak (2)

MAGANDA ang pamumuno ni Chief Supt. Rosendo Dial sa Bureau of Jail Management and Penology.

Lamang, hindi nawawala ang mga opisyal niyang hindi nasisiyahan sa tinatamasang benepisyo mula sa kanilang trabaho.

Mayroon pa ring mga pasaway na opisyal na nais makasungkit ng masabaw na puwesto kahit pa makaapak ng kasama sa trabaho. Walang pakialam ang opisyal na ito kung masira ang imaheng pilit na pinagaganda ng mga opisyal na kanyang ka-samahan sa pamunuan sapagkat ang mahalaga sa kanya ay makuha ang puwestong ninanais niya.

Dapat makilala ni Gen. Dial ang opisyal na ito na sinisiraan ang hepe ng isang kulungan para lang maagaw niya ang puwesto nito.

Naging hepe na ng kulungang nais niyang puntahan ang opisyal na ito subalit hindi naman naging matunog ang pangalan niya dahil wala naman siyang nagawang maganda bagaman wala ring masama.

Bukod sa pangaral, dapat ding bigyan ng kaukulang disiplina ni Gen. Dial ang opisyal na ito na nagsasagawa ng “demolition job” laban sa hepe ng jail na nais niyang puntahan.

Ano ba ang meron sa kulungan at nais nitong balikan?

Aba’y “daang matuwid” ang ipinipilit ni Pangulong Noynoy Aquino na dapat nating tahakin.

Bakit nais mong maulingan pa ang iyong mga kamay?

Hay naku, Sr. Supt. LT (hindi Lorna Tolentino), tigilan mo na ang paninira mo sa iyong kapwa dahil wala itong ibubungang maganda.

Ang masakit nito, baka biglang tumirada ang karma at tamaan ka.

Samantala, hiling naman ng mga biktima ng lindol sa Negros Oriental na huwag nang paraanin sa mga politiko ang mga tulong na ibinibigay sa kanila dahil nagagamit lang ito sa pagpapapogi.

Pinipili umano ng mga politiko ang mga pamilyang kanilang aabutan ng tulong.

Nais ba ninyong ibahagi ang inyong karanasan sa  opisyal at tauhan ng pulisya o pamahalaan at pribadong indibidwal?

Maaari kayong mag-text sa 09215175814 o mag-email sa Santi _lean11@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply