Mang-aapak

HINDI na lamang sa Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police at Bureau of Fire Protection nagkakaroon ng sulutan sa puwesto kundi maging sa Bureau of Jail Management and Penology.

Noong ako ay beat reporter pa sa Quezon City, isa sa mga inirerespeto kong ahensya ay ang BJMP dahil sa delikadesang pinaiiral ng mga naunang namuno rito.

Subalit nang maglaon, nasira ang magandang impresyon ko sa BJMP nang mag-away na sa puwesto ang mga nais maupo at nakaladkad pa ang usapin sa korte.

Hindi umiral ang seniority kaya nangyari ang agawan sa puwesto noon.

Walang halong pambobola, maganda ang pamamalakad ni Chief Supt. Rosendo Dial sa BJMP.

Naging maayos ang kalagayan ng mga empleyado ng BJMP dahil sa maayos na naibibigay ang suweldo at iba’t ibang benepisyo ng mga opisyal at jailguard.

Bukod pa ito sa nakabili ng sariling lupa at nakapagpatayo ng sariling gusali ang nasabing ahensya sa Mindanao Avenue sa Quezon City.

Sa madaling salita, maganda ang pamumuno ni Dial sa kanyang nasasakupang ahensya ngayon.

Lamang, hindi nawawala ang mga opisyal niyang hindi nasisiyahan sa tinatamasang benepisyo mula sa kanilang trabaho.

Mayroon pa ring mga pasaway na opisyal na nais makasungkit ng masabaw na puwesto kahit pa makaapak ng kasamahan sa trabaho.

Walang pakialam ang opisyal na ito kung masira ang imaheng pilit na pinagaganda ng mga opisyal na kanyang kasamahan sa pamunuan.

Sapagkat ang tila mahalaga lamang sa kanya ay makuha ang puwestong ninanais niya. (Itutuloy)

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply