Manloloko si Pacman – Floyd

TAHASANG pinaratangan kanina ni seven-time and five-division world champion Floyd Mayweather si Manny Pacquiao na isang cheater o manloloko.

Ang pahayag na ito ay isiniwalat ni Mayweather sa isang press conference ng laban nila ni Miguel Cotto sa San Juan, Puerto Rico para i-promote ang kanilang laban sa May 5, 2012 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.

Ayon kay Mayweather, sina Pacquiao at Antonio Margarito ay mandaraya.

Habang isinusulat ito ay wala pang inilalabas na pahayag ang kampo ni Pacquiao ukol sa paratang ni Mayweather na tila nagpahiwatig na si Pacquiao ay katulad ni Margarito na nandaya at nahulihan ng pambatigas sa handwrap sa laban ni Shane Mosley noong 2009.

Samantala, para pawiin ang kaba ng mga kababayan, sinabi ni Cotto na sa pag-uwi niya sa kanilang bansa ay dala pa rin niya ang kanyang korona.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply