Manny-Bradley bout, fixed fight!

PUMAYAG na si pound-for-pound king Manny Pacquiao sa terms para sa welterweight title clash nila ni junior welterweight titlist Timothy Bradley Jr. sa June 9 sa MGM Grand sa Las Vegas.

Gayunman, ayon kay Michael Koncz, adviser ni Pacquiao, kailangan pa ring isapinal ang deal sa Top Rank.

“From our end, the fight is done,” pahayag ni Koncz. “I just got off the phone with (Top Rank’s) Bob Arum and Manny, so we’re done. I don’t assume there will be a problem from the Bradley side.”

Subalit iginiit ng mga kritiko na posibleng fixed fight ang bakbakan ng dalawa kung saan may usapan na kung sino ang dapat manalo.

“Alam naman natin si Bob Arum, gusto niya yatang humakot ng maraming pera kaya panay alaga niyang boksingero ang pinaglalaban,” ayon ng isang kritiko.

“Asahan na natin na magkakaroon iyan ng part 2 o kaya’y part 3 para kapwa alaga ni Arum ang maghaharap. Tila niloloko na ang fans.”

Samantala, naniniwala si Koncz na dahil sa napagkasunduan ay wala nang maidadahilan si Bradley para tanggihan ito lalo pa’t pabor ito sa kanya.

Ang inaasahan sanang Pacquiao-Floyd Mayweather Jr. fight ay tuluyan nang natuldukan dahil sa hindi nila mapagkasunduang bagay na naging dahilan para i-anunsiyo na rin ni Floyd na si junior middleweight titlist Miguel Cotto na ang kanyang hahamunin sa May 5.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply