Manugang ni ex-Cong. Daza kakasuhan ng murder

KAKASUHAN ng murder ng Quezon City Police District ang manugang ni dating Quezon City Rep. Nanette Castelo Daza na sinasabing bumaril at nakapatay sa live-in partner ng dating kongresista sa loob ng bahay ng huli sa Quezon City kagabi (Biyernes, Pebrero 10).

Ayon kay chief inspector Rodel Marcelo, hepe ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit,  maaari nilang kasuhan ng murder ang manugang ng dating kongresista na si Allan Robles base sa mga ebidensya na nakuha sa crime scene.

Sinabi ni Marcelo na si Robles ang umano’y suspek sa pamamaril sa biktimang si Noel Orate, Sr., 55 District manager ng United Laboratories at residente ng 51 Maningning Street, Barangay Teachers Village East, QC na nasawi dahil sa tama ng bala ng kalibre .38 na baril sa katawan.

Ayon sa ulat ng QCPD-CIDU, naganap ang insidente dakong 11:10 ng gabi  sa loob ng bahay ng dating kongresista sa No. 51 Maningning Street ng nasabing village, sa nasabi ring lungsod.

Namatay noon din sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang Orate Sr., bunga ng tinamong limang tama ng bala sa dibdib.

Sumuko naman ang suspek na si Robles, 38, board member ng 4rth District ng Bulacan at asawa ng anak ng dating kongresista na si 4rth Dist. QC Councilor Jessica Castello Daza .

Iniulat na sugatan naman umano ang dating kongresista na isinugod sa hindi sinabing pagamutan matapos mabagsakan umano ng mabigat na bagay sa kanyang paa dahil sa nangyaring komosyon.

Hindi pa matukoy ng mga tauhan ng QCPD operatives kung ano ang motibo ng naturang krimen, subalit sinabi ng mga ito na maaaring nagkaroon ng komosyon sa naturang bahay ng dating kongresista bago naganap ang krimen.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply