Marathon session sa impeachment ni Del Castillo sisimulan sa Lunes

SISIMULAN na ang marathon session ng House committee on justice kaugnay sa impeachment complaint laban kay Supreme Court Associate Justice Mariano del Castillo sa Lunes (Pebrero 13).

Ito ay matapos pagbotohan na may sapat na grounds ang impeachment complaint dahil sa betrayal of public trust nang akusahan siya ng plagiarism.

Ayon kay House Majority Leader Neptali Gonzales hahabulin ng Kamara ang 60 araw na sesyon para mai-dispose ang impeachment dahil ang susunod pang dedeterminahin ay ang “probable cause” bago ito tuluyang maihain sa plenaryo.

Ani House Majority Leader, ngayong Linggo hanggang Lunes ay susubukan ng Justice Committee na magtakda ng pulong sa mga complainant maging sa kampo ng depensa ni Del Castillo.

Sinabi ni Gonzales na mayroong apat na session day na lamang ang nalalabi sa komite.

Kaninang umaga, sa botong 27 ang pabor; apat ang tutol at isang abstain ay idineklara ang sufficiency in grounds sa impeachment laban kay Del Castillo.

Ibig sabihin, sa oras na madeterminang may probable cause ang reklamo ay dadalhin na ito sa plenaryo kung saan kakailanganin ng 1/3 votes bago maka-akyat sa Senado.

Kumpiyansa naman si Gonzales na kakayanin ng Kamara na pagsabayin ang Corona Impeachment Case at Del Castillo Case.

Posibleng umakyat sa Senado ang impeachment complaint laban kay Del castillo at ibang prosecution team ang hahawak sa impeachment case nito dahil nakasalang ngayon ang impeachment case ni Chief Justice Renato Corona.

Ipinaliwanang ni Gonzales, na ito ay upang matutukan nila ang trabaho dahil hindi naman aniya maaaring dedmahin na lamang ng Senado ang isa pang impeachment case dahil bahagi ng mandato nila sa ilalim ng konstitusyon ang papanagutin ang mga tiwaling opisyal.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply