Marcelo, Calderon hinirang na Karter of the Year

SINA Stefano Marcelo ng Maranello-Marcel Racing at Jette Calderon ng Industria Racing ay itinuring na Big Winners noong nakaraang Linggo, sa Petron Karting Super Series at Denso KF2-KF3 Cup Series na ginanap sa Carmona Racetrack.

Nakamit ni Stefano Marcelo ang kanyang ikaapat na Karter of the Year trophy na nag-udyok rin para siya ay hiranging Greatest Filipino Karter of All Time.

Samantala, ang Cebuanong si Jette Calderon naman ay itinanghal na Junior Karter of the Year matapos ang kanyang 14-minutes, 51.422 seconds run sa 20-lap race.

Nakakuha ng total na 200 points si Marcelo para sa overall championship point standings, na sinundan ng 170 points ni VJ Suba, 140 ni Franco Reyes, at 120 ni Milo Rivera.

Pantay sa point standings sina Calderon at Suba, na parehong naka-ipon ng 180 overall points ngunit mas marami ang naipanalong round ni Calderon laban kay Suba sa mga nakaraang karera. Gayunpaman, inuwi ni Suba ang tropeo para sa ROK Seniors champ habang si Matthew Chan, na siyang itinanghal ng Clubman Karter of the Year Award, ay inuwi rin ang tropeo para sa ROK Novice champ.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply