Bad image ng solons ipinalilinis sa MTRCB

ISINULONG ng isang kongresista na atasan ng Movie Television Review and Classification Board (MTRCB) ang pagta—typecast sa mga kongresista bilang masasama o kontrabida sa mga pelikula at telebisyon.

Sa House Resolution 2140, inudyukan ni Pampanga Rep. Aurelio Gonzales Jr. ang MTRCB na bawasan, pigilan at ihinto ang paglalagay ng mga character kung saan masama ang mga kongresista, at iba pang pulitiko na nagbibigay ng negatibong pagtingin laban sa kanilang mga mambabatas.

Giit ni Gonzales na ang ganitong mga pagganap ay hindi patas dahil mistulang nadudungisan ang pangalan ng mga mambabatas na nagtatrabaho naman para sa kapakanan ng kanilang constituents.

Magkagayunman, aminado si Gonzales na may mga mambabatas na nasangkot sa krimen subalit iilan lamang ito.

“Aware that this issue is covered by the constitutionally-guaranteed freedom of speech and of expression, the House can only appeal to the local movie and television industry to minimize, prevent, or stop depicting members of the House in a negative light,” ayon pa kay Gonzales.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply