Masaya at informative ang general meeting bukas

BROOM broom sa lahat ng nagmo-motor nationwide!

Bago natin ituloy ang topic natin kahapon, nais lang po naming ipabatid sa lahat ng kasapi sa Pinoy Hot Line Riders Club (PHLRC) na bukas na ang ating General Monthly Assembly Meeting ng ating samahan, ito ay gaganapin sa National Press Club (NPC) sa Magallanes Drive, Intramuros, Manila, sa oras na alas-9:00 ng umaga.

Isuot ang uniporme ng PHLRC (Type B), ID, bawal ang naka-tsinelas at naka-short pants. May penalty sa sinumang lumabag dito.

Napakahalaga ng meeting natin bukas kaya’t bawal ang mag-absent.

Itutuloy ng inyong lingkod ang media workshop para sa lahat ng kasapi sa PHLRC.

Makakatanggap din bukas ng award ang PHLRC riders na nakiisa sa Remate @ 20 Motorcade noong nakaraang Linggo, motorcade sa Makati at Manila-Subic Road Trip.

Maliban pa riyan, magkakaroon na rin ng kopya o CD ‘yung mga nakiisa sa nasabing mga parada. Mag-e-enjoy kayo rito, mga kapatid!

May tatlong grupo rin na nakabase sa Cavite ang nakatakdang bumisita sa PHLRC riders bukas at ito ay ang Police Hot Line Movement, Guardians at Kabalikat pero ang balita ng inyong lingkod ay sasali sila sa PHLRC.

Abangan n’yo bukas ang mga sorpresa ng ating samahan at hindi rin kayo magugutom sa nasabing meeting.

I love you, PHLRC!

Gusto mo bang sumali sa PHLRC? Mag-text lang sa mga numero sa ibaba.

09184141717
Cavite, Muntinlupa, Las Piñas, Parañaque, Laguna, Batangas

09359257696
Pasay, Manila

09086055331
Quezon City,  Caloocan, Navotas,
Malabon, Bulacan

09184141717
Rizal, Pasig, Marikina, Taguig

09395109483
Caloocan North, Novaliches
/  Fairview North

09323132075
San Juan City

09085729710
Mandaluyong City

09151023307
Makati City

09202205374
Pangasinan

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply