Masbate agri-fishery popondohan ng P22MM

NANGAKO ngayon ng P22 milyon pondo si Agriculture Secretaray Proceso J. Alcala sa mga fish farmer at mga mangingisda sa Masbate.

Ani Alcala, kaunting tiis na lamang at hindi na aangkat ng galungong o anumang isda ang Pilipinas sa ibang bansa.

Aniya, ang tinatarget ngayon ng Department of Agriculture (DA) ay food sufficiency muna at saka na lamang ang exportation.

Ayon naman kay Agriculture Bicol regional director Jose Dayao, pinondohan na ng DA ang agri-fishery sa Masbate ng P22 million kaya wala na itong atrasan.

Ani Dayao, inalam na nila ang mga probema ng mga fish farmer at mga mangingisda at iyon ang kanilang susulusyunan gamit ang nasabing pondo.

Kahit umano si Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) assistant director Gil Adora ay tutulong sa livelihood projects at pamamahagi ng fishing paraphernalia sa mga mangingisda at people’s organizations (POs).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply