Matansero todas sa onsehan

PINAGSASAKSAK hanggang sa mamatay ang isang matansero dahil sa umano’y onsehan sa hatian sa kita sa Balintawak, Quezon City kagabi (Martes, Pebrero 28)

Namatay noon din sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si Roberto Bautista, 46, ng 1374 Gana Compound Barangay Unang Sigaw, QC bunga ng tinamong maraming tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Ayon sa ulat ni SPO1 Juan Solares ng Quezon City Police District Station 1 Laloma naganap ang insidente dakong 11:55 ng gabi sa loob ng Cloverleaf Market sa naturang lungsod.

Nabatid sa asawa ng biktima na si Maricris Bautista, na posibleng nagka-onsehan umano sa hatian sa pagkakarga ng mga paninda kaya napag-initan umano ang kanyang asawa at may hinala siyang may kinalaman ang isang alyas “Buboy Duling” sa nasabing pamamaslang.

Patuloy namang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang nasabing insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply