May-ari ng Alabang property kinasuhan ng PDEA

MATAPOS ang magkakasunod na pagkakadiskubre ng shabu laboratories sa loob ng Ayala Alabang, pormal ng isinampa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang kaso laban sa mga responsableng opisyales ng Fuerte Holdings, Incorporated at sa mga   property administrator nito.

Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez, Jr. kumbinsido ang kanilang Legal and Prosecution Service na kasuhan ang mga opisyales ng Fuerte Holdings, Incorporated at mga administrator ng ari-arian ng namayapang Consuelo Madrigal ng paglabag sa probisyon sa ilalim ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sa kanilang pag-iimbestiga nalaman ng PDEA na ang nasabing property ay nakarehistro sa Securities and Exchange Commission (SEC) at pag-aari ng Fuerte Holdings, Incorporated na nasa ilalim ng management ng mga estate adiministrators ng namayaoang Madrigal.

Dahil dito, sinabi ni PDEA na may pananagutan ang mga may-ari ng property dahil nagpabaya sila na magamit ang kanilang lugar sa iligal na pagawaan ng shabu ng mga nangungupahan dito.

Nagsumite na ng supplemental affidavit ang PDEA, sa pamamagitan ng kanilang s Legal and Prosecution Service sa Office of the City Prosecutor ng Muntinlupa City laban sa limang opisyal at dalawang estate administrator at sa limang Chinese nationals na nag-operate ng shabu laboratory dahil sa paglabag sa Section 8 (Manufacture of Dangerous Drugs), Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), at Section 12 (Possession of Equipment for Dangerous Drugs), na may kaugnayan sa Section 30 (Criminal Liability of Officers of Partnerships, Corporations, Associations or Other Juridical Entities), Article II, RA 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply