May tara pa rin, tinatawanan lang si Gen. Lim

NAKANGITI na parang naiihi ang mga negosyanteng kausap natin kaugnay ng kanilang kalagayan sa kamay ng Customs sa Subic Bay Freeport Zone.

Natuwa kasi sila na may memo pa si Customs Intel Head Retired Gen. Danny Lim na wala itong inaatasang tagakolekta ng “tara” o lagay gaya ng nakagawian na sa ahensiya.

Nang ating kinamusta, wala namang pinag-iba, anila, kundi ang tagapamuno sa Maynila-ang akala ng maraming super-tandem nina Commissioner Ruffy Biazon at Gen. Lim.

Hindi tayo makapaniwala dahil kasama tayo sa bilib kina Batman & Robin, pero, ayon sa mga biktima, Ito Ang Totoo: ang binabayaran nilang kasama na ang tara sa Subic Customs noon ay ganoon pa rin ngayon.

Eh, bakit kasi kayo nagbibigay ng tara, mabilis nating tanong? Sagot: sa Customs ngayon, tulad noon, walang tara, walang transaksiyon!

Sa mga importer ng sasakyan, halimbawa, average na P80,000 bawat isa ang paluwal nilang pera pero sa suma sa resibo, mga P30,000 lang talaga ang pumasok sa kaban ng bayan.

I-multiply na lang ang P50,000 patong bawat sasakyan sa average na 1,000 bawat linggo, P200M agad ang pinaghahati-hatian buwan-buwan ng mga angkan ni Lolong, malaki pa sa pumasok sa ahensiya! Halimbawa pa lang iyan, maaaring mas malaki pa.

Ito ang Totoo: kasabwat dito ang Customs sa Maynila dahil tuloy pa rin ang duplikasyon ng mga function o Red Tape. Binusisi na sa Subic ay binubusisi pa sa Maynila.

Sa madaling salita, ginatasan na sa Subic, kailangang idaan pa sa Maynila para ang mga nasa Maynilang Customs kung saan nakabase sina Biazon at Lim, may gatas rin!

Masarap talaga ang gatas, ano?

Alam kaya ito nina Comm. Biazon at Gen. Lim? Palagay natin OO dahil hindi naman sila mga tanga o bobo, ‘di ba?

Pero naniniwala pa naman tayo sa ngayon na gaya nang pinaniniwalaan ni Pangulong Noynoy Aquino ay lilinisin ng Super Tandem ang Kagawaran ng Customs. Ang tanong, kailan? Pagputi ng uwak o pag-itim ng tagak? Baka naman tumatayming pa rin, tingnan natin.

***

Pagbati kay Anthony A. Clements na opisyal nang itinalagang WM ng Unity Masonic Lodge 285, Benjamin “Bubong” E. Antonio lll na WM ng Subic Bay Lodge 361, Jordan M. Dizon na WM ng Lincoln Lodge 34 at Luisito M. Lopez na WM ng Mt. Redondo Lodge 372.

***

Ipaabot sa Ito Ang Totoo sa pamamagitan ng txt ang inyong mga reklamo, puna o puri, basta’t para sa kabutihan, ipadala sa cp no. 09994001162 o sa Facebook http://www.facebook.com/pages/Ito-Ang-Totoo-Remate/143876209055760.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply