Mayol may tulog kay ‘Tyson’

TAGILID ang laban ni former world champion Rodel Mayol kay World Boxing Association flyweight champion Hernan “Tyson” Marquez ng Mexico sa March 24.

Matatandaang nakatabla si Mayol sa kanyang title defense kay Mexican Omar Nino Romero kung saan tinamaan ang Pinoy boxer ng maraming low blows.

Napabagsak pa nito si Mayol sa pamamagitan ng sapak sa yagbols dahilan upang ilabas ang Pinoy sa ring na naka-stretcher at hindi man lang diniskwalipika ni referee Vic Drakulich ang kalaban.

Nang mawalan ng korona si Mayol sa isang rematch kay Romero noong June 19, 2010, binawasan pa siya ng one point sa round two at isa pa sa round 5 dahil sa accidental head-butt na nagpaputok sa kilay ng Mehikano.

Matatandaan na si Marquez ay isa sa mga biktima ni jr. featherweight champion Nonito Donaire Jr.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply