M’cañang mas ‘takot’ sa basura kaysa INC rally

HINDI nangangamba ang Aquino administration sa “grand rally” na isasagawa ng religious group na Iglesia Ni Cristo (INC) sa Martes, Pebrero 28 na sinasabing suporta kay Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Ani deputy presidential spokesperson Abigail Valte, wala rin silang alam sa report na lalahok din sa rally ang Catholic charismatic group na El Shaddai sa nabanggit na pagtitipon.

Una nang nagpahayag si Pangulong Benigno Aquino III na wala siyang ginawang masama para mabahala sa gagawing pagtitipon ng INC.

“The (Feb. 28 gathering) is a regular religious activity that is being given political color… Many people are really opportunists. This (pro-Corona scenario) is probably a media war and a spin war,” ayon sa naunang pahayag ng Pangulo.

Dagdag naman ni Valte, mas nangangamba sila sa kalat at basurang iiiwan ng mga magtutungo sa nasabing programa kaya pakiusap nila sa mga tutungo sa pagtitipon na magtulung-tulong sa paglilinis sa paligid.

Sa Martes na ang religious gathering ng INC sa Luneta Park, sa Maynila.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply