M’cañang sa PSBank officials: ‘Umayos kayo!’

PINAALALAHANAN ng Malakanyang ang mga opisyal ng PSBank na umayos sa kanilang pagtestigo sa impeachment court sa Senado.

Ito ay makaraang waring malito si PS Bank Manager Annabelle Tiongson at sinabing peke ang mga bank documents na una nang iniharap ng prosekusyon bilang ebidensya laban kay Chief Justice Renato Corona.

Kabaligtaran naman ito sa sinabi ng unang sumalang na testigo na si PSBank Pres. Pascual Garcia na nanindigang authenticated ang mga dokumento.

Ani Presidential Spokesman Edwin Lacierda, dapat mag-usap sina Garcia at Tiongson para ayusin ang pagkakaiba ng pahayag at hindi mapunta sa wala ang ipinaglalaban ng bansa.

Ayon kay Lacierda, naniniwala silang totoo at hindi pineke ang bank documents dahil tugma ang nakasaad dito sa account numbers sa itinestigo ni Garcia.

“Wait, number one, kung may discrepancy sa figures, kasalanan nila because we only asked for the account numbers. The figures, they disclosed. So they better shape up. Either the president or the branch manager is lying. So but the point was, there were balances record. Remember, the prosecution team didn’t know the balances. And ang president po na Garcia,” ani Lacierda.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply