Media bawal sa pagbisita ni GMA kay Rep. Iggy

MAHIGPIT na ipinagbabawal sa mga mamamahayag ang coverage sa pagtungo ni dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Arroyo sa burol ng bayaw na si Negros Occidental Rep. Iggy Arroyo sa La Vista Subdivision sa Quezon City sa Sabado (Marso 3).

Ayon kay Atty. Benjamin Santos, abogado ni Arroyo, isang family affair ang pagbisita ng dating Pangulo sa burol ng bayaw kaya hindi papayagan ang media na i-cover ito.

Magiging mahigpit din ang security personnel ng La Vista at isasailalim sa screening ang mga bibisita sa burol.

Nauna rito, hiniling ng legal wife ng namayapang mambabatas na si Aleli Arroyo na maging pribado ang burol nito sa kanilang tahanan. lalo na ang mistress ng kanyang yumaong asawa na si Grace Ibuna.

Ayon sa napagkasunduan, kung sakaling darating ang labi ni Iggy ay nakatakda itong idiretso sa Arlington Memorial Chapel at dadalhin sa ancestral house ng mga Arroyo sa La Vista Subdivision, Quezon City. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply