Media hihigpitan sa arraignment ni GMA

MAGLALATAG ng puspusang paghihigpit sa hanay ng media practitioner na aantabay sa arraignment ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa Pasay City Regional Trial Court (RTC) na posibleng ganapin bukas (Pebrero 23).

Sa ipinalabas na abiso ng National Capital Regional Police Office (NCRPO), ikinatuwiran NCRPO Public Information Chief P/Supt. Danilo Pecaña na ang kautusan ay dahilan na rin sa ipinatutupad na seguridad sa loob ng RTC branch 112 para sa pagbasa ng sakdal kay Ginanga Arroyo.

“Due to security reasons and the limited space in the court, media coverage will not be allowed in branch 112 and its immediate vicinity,” ayon kay Pecana.

Nilinaw naman ni Pecaña na maaari namang mag-cover ang mga mamamahayag sa open ground sa labas ng Hall of Justice building kung saan isang “media area” ang ilalagay.

Pinayuhan rin ng NCRPO-PIO ang mga cameraman na magdala ng “three-step ladder platform” sa kanilang pagko-cover.

Kinakailangan rin na magparehistro pa ang mga miyembro ng media dakong alas-6:30 ng umaga upang payagang makapasok sa “media area”. Dito magbibigay ng updates sa takbo ng pagdinig ang mga miyembro ng korte at maging mga abogado ni Gng. Arroyo at ng prosekusyon buhat sa Commission on Elections (Comelec).

Matatandaan na sinampahan ng kasong “electoral sabotage” si Arroyo dahil sa manipulasyon umano nito sa resulta ng halalan noong 2007.

Kasalukuyang naka-hospital arrest si Arroyo sa Veteran’s Memorial Medical Center (VMMC) na isinasailalim sa medikasyon sa sakit nito sa gulugod.

Tikom ang bibig ni Pecaña sa uri ng seguridad na kanilang ipatutupad sa pagbiyahe sa dating Pangulo buhat sa VMMC tungo sa Pasay RTC at maging ang pabalik.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply