Media inakusahang katulong sa pagdurog kay Corona

SA IKA-11 araw ng paglilitis, inihayag ng defense team sa pamumuno ni dating Associate Justice Serafin Cuevas na tumutulong ang media upang durugin si Chief Justice Renato Corona sa paniniwalang mali ang impeachment complaint laban dito.

“In this Day 11, the Defense remains steadfast that the Chief Justice was wrongfully impeached and that all these efforts to destroy the Chief Justice is partisan politics aided by partisan media,” ayon kay Defense Spokesman Atty. Tranquil Salvador.

Sinabi rin ni Salvador na hindi sila ang nagde-delay at respectful sa kanilang bawat desisyon batay sa instruction ng Senado, bilang impeachment court at ng mga senator-judge.

Para naman kay Deputy Spokesperson Atty. Karen Jimeno, patuloy na ipinakikita ng prosekusyon ang kakakulangan ng testigo at ebidensiya upang patunayan ang akusasyon laban sa punong mahistrado na siyang nagpapatunay sa paniniwalang nagkamali sa pagsasakdal.

“A blitzkrieg complaint only results in a weak position because as we are undergoing trial, the Prosecution is still looking for evidence to fit their pre-designed script,” ayon kay Jimeno.

Tinutukoy ni Jimeno ang dalawang sunod na raw nang patotohanan ng ilang testigo ng prosecution ang depensa ni Corona dahil pabor sa kanila ang mga testimonya at dokumentong inilantad sa impeachment court.

Sinabi pa ni Jimeno na dapat ihanda ng prosekusyon ang kanilang mga testigo at magsaliksik pa para patunyan ang mga alegasyon na kanilang ibinabato kay Corona.

“You need to prep your witness but you also need to do a lot of research most especially since the onus of proving what they alleged in the “Verified” Impeachment Complaint is with the Prosecution,” ani kay Jimeno.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply