Mediamen, de Lima sa impeachment bukas

MULING haharap bukas, Pebrero 23 sa impeachment court si Justice Secretary Leila de Lima bilang pagpapatuloy sa kanyang pagtestigo laban kay CJ Renato Corona sa pagtalakay sa article 7.

Bukod kay de Lima, ilang miyembro rin ng media na nagkober noon sa tangkang pag-alis sa bansa ni dating Pangulong Gloria Arroyo patungong Singapore ang ipina-subpoena ng korte.

Kanina ay partikular na nagbigay ng testimonya si de Lima hinggil sa inilabas na watchlist order ng Department of Justice laban sa paglabas ng bansa ng mag-asawang Gloria at Mike Arroyo na tangka namang harangin ng inilabas na temporary restraining order ng Supreme Court sa pangunguna ni Corona.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply