Medical bulletin ni GMA naipasa na sa korte

NAIPASA na ng mga doktor ng Veterans Memorial Medical Center (VMMC) ang mga kaukulang dokumento sa Pasay Regional Trial Court (RTC) kaugnay sa kasalukuyang lagay ng kalusugan ni dating pangulo, ngayon ay Pampanga 2nd district Congesswoman Gloria Macapagal-Arroyo.

Kabilang sa mga isinumiteng dokumento ng VMMC ang tatlong pahinang clinical abstract, isang pahinang orthopedic abstract at tatlong pahinang medical abstract na may lagda ng mga doktor na sina Dr. Rafaelita Javier, Victoria Javier, Martha Nocum, Antonio Sison, at Ruben Cardenas na bumubuo ng medical team na nakatutok sa kalagayan ng kalusugan ni Gng. Arroyo.

Sa mga isinumiteng dokumento ng VMMC, ibabatay ni Pasay (RTC) Judge Jesus Mupas ng Branch 112 ang desisyon sa hirit ng tagausig ng Commission on Election (Comelec) na ilipat na sa regular na piitan si Gng. Arroyo sa halip na manatili sa hospital arrest.

Sa isang dokumento namang isinumite ng mga doktor, nakasaad na kinakailangan pang ipagpatuloy ni Gng. Arroyo ang pagsasailalim sa therapy, lalo na sa idinadaing na pananakip pa rin ng leeg at likod.

Ngayong araw nakatakdang dinggin sa sala ni Judge Mupas ang hirit ng tagausig na ilipat na ng piitan ang dating pangulo kung saan isasabay na rin ang kahilingan ng abogado ni Gng. Arroyo na payagan ang kanilang kliyente na mabisita ang burol ng yumao niyang bayaw na si Congressman Ignacio “Iggy” Arroyo sa oras na makumpirma na kung saan dadalhin ang labi ng kongresista.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply