Medical record ni GMA pinalalabas ng korte

IPINALALABAS ng Pasay City Regional Trial Court (RT) ang medical record na hawak ng attending physicians ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo para mabatid ang tunay na kagalayan ng kalusugan nito.

Ayon kay Pasay-RTC Branch 112 spokesperson Felda Domingo, ito’y matapos itakda ni Judge Jesus Mupas sa Biyernes (Pebrero 3) ang pagdinig sa inihaing mosyon ng Commission on Elections (Comelec) na mailipat na sa isang regular detention facility si Arroyo.

Ang dating Pangulo ay kasalukuyang naka-hospital arrest sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) dahil sa kasong electoral sabotage.

Sinabi pa ni Domingo na inaasahan din ang isusumiteng opposition ng mga abogado ni Arroyo hinggil sa nabanggit na mosyon ng Comelec.

Una rito, itinakda na rin ni Judge Mupas sa Pebrero 20 ang arraignment sa kaso ng dating Pangulo. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply