Mega lotto solo winner, retiradong pulis

RETIRADONG pulis mula sa Taguig City ang solo winner sa 6/45 Mega Lotto na binola kagabi, Pebrero 15, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Nabatid na base sa mga numero sa horoscope ang ginamit ng 63-anyos na mister para makuha ang winning combination na 33-34-28-40-14-8.

Pasado alas-9:00 ngayong umaga nang magtungo sa tanggapan ni PCSO General Manager Ferdinand Rojas ang nasabing lotto winner at kinumbra ang jackpot prize na P22,984,351.08

Samantala, isang taga-Taytay, Rizal at Hinunangan, Southern Leyte ang maghahati sa mahigit sa P300 milyong jackpot prize sa 6/55 Grand Lotto, na binola kagabi.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply