Mendiola at Rivera, umarangkada sa 1st round ng 2012 Slalom

MAGANDA ang ipinakitang simula ni Doc Peewee Mendiola sa pag-arangkada ng 2012 National Slalom Series noong nakaraang linggo sa Robinsons, Novaliches. Nakamit niya ang Best time of the day para sa Overall and Production Rear Wheel class na 59.36 seconds, na sinundan ni Milo Rivera ng Fern C Racing Team ng kanyang 60.34 seconds. 0.38 seconds lamang ang namagitan sa team mates na sina 3rd placer Mato Tan at DGL Racing main man David Lim habang ang huling pwesto para sa top 5 ng Overall Best time of the day ay napunta sa Team Uno driver na si Peque Alacbay.

Pareho ang naging standing ng nabanggit na top 3 sa Production Rear Wheel class ngunit sa pagkakataong ito ay naka-ungos si Alacbay kay Lim.

Namayagpag naman si Tan sa Production Front Wheel class, na sinundan ni Lim at ng kanyang anak na si David Lim Jr., sa 2nd at 3rd place. Sina Dax Santiano at Stephen Pelayo naman ang nakakuha sa top 4 at top 5 spot.

Para sa Novice categrory,  ang suki ng Slalom na si Estefano Rivera ng Fern C Racing Team ang nakakuha sa 1st place trophy sa naitala niyang 62.90 seconds. Dismayado naman ng halos tatlong segundo ang 2nd placer na si Alex Bautista upang tapatan si Rivera, habang si Abet Reyes ng Big Chill Racing team ay humabol sa top 3 sa oras niyang 67.10 seconds. Si Jowil Lasaga at Jahan Kalam ang kumumpleto sa top 5.

Ang susunod na round ng 2012 RACE Motorsports Club National Slalom Series ay gaganapin sa March 4 sa SM City Sucat. Para sa karagdagang impormasyon, mag-text o tumawag sa numerong 0922-816-5344, o di kaya’y bisitahin ang kanilang Facebook page sa www.facebook.com/RACEMotorsportsClub (Slalom Racing).

Ang 1st round ng National Slalom Series ay suportado ng SHELL HELIX MOTOR OILS , FEDERAL TYRES, OUTLAST BATTERY, DUBSHOP MAGWHEELS, STARBRIGHT BODYKITS,  TRIPNOTIC LAB CREATIVE MEDIA EXPERIMENTS, FORSC INK MOBILE SYSTEM, STOPLIGHT TV,C MAGAZINE, WHEEL TOSSSSSSSSSSSSSSS WHEEL MAGAZINE, WWW.AUTO INDUSTRIA.COM.,KOTSE.COM.TURBO TIME, PINOY SPEED SA TABLOID, RONDA REMATE MOTORING,  INSIDE MOTORING , AUTO TRANSPORTER, ROBINSONS NOVA MARKET at ng ROBINSONS MALLS.

Ang 2012 RACE Motorsports Club National Slalom Series ay may pahintulot ng AAP (Automobile Association of the Philippines) at ng FIA (Federacion Internationale Automobile).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply