Menor de edad bawal sa motel

PINAALALAHANAN ni Chief of Staff at Media Information Bureau chief Ric de Guzman ang mga namamahala ng mga motel sa lungsod hinggil sa pagbabawal sa pagpapasok ng mga menor de edad, lalo na ngayong pagdiriwang ng Valentines Day.

Ayon kay De Guzman, kailangan na ipatupad ng mga motel ang kanilang regulasyon at higpitan ang kanilang pagbabantay upang maiwasan na makapasok o makalusot ang mga menor de edad lalo na bukas (Pebrero 14) dahil sa dami ng magtutungo sa mga ganitong establisimiyento.

Sinabi ni De Guzman na mahigpit ang batas na nagbabawal sa mga menor de edad sa pangamba na humatong ito sa pagkasira ng kinabukasan ng mga kabataan at upang maiwasan na mamulat nang maaga sa larangan ng prostitusyon.

Posibleng matanggalan ng business permit hanggang sa tuluyang mapasara ang mga motel na mahuhuling tumatanggap ng mga menor de edad.

Ayon pa sa opisyal, dapat na maging mapagmasid ang mga guwardiya at administrador upang masiguro na mga nasa ligal na edad ang magche-check in.

Dagdag pa ni De Guzman, na sa lungsod ng Maynila ay mahigpit pa ring ipinatutupad ang short time sa mga motel.

Samantala, kinokondena naman ng ilang sektor ang mga promotion ng ilang hotel at motel na pamimigay ng codom.

Mistula umanong iminumulat ng mga motel owner ang prostitusyon at premarital sex sa mga mag-sing irog.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply