Mentally retarded sinisiyasat sa pagsunog

SUMASAILALIM na ngayon sa masusing imbestigasyon ang isang sinasabing mentally retarded na pinagsimulan ng sunog kagabi (Pebrero 16) sa lungsod ng Pasay.

Sa kaganapan, anim na bahay ang tinupok ng apoy na nagsimuladakong alas-6:30 kagabi sa Geranium st., corner Begonia st., Block II, Rivera Village, NAIA, Pasay City.

Batay sa imbestigasyon ni P/Sr. Insp. Marino Muños, umaabot sa 14 pamilya ang nawalan ng tirahan at kasalukuyang naninirahan sa covered court sa Rivara Village.

Sa kasalukuyan sinisiyat pa ng awtoridad ang suspek na kinilalang si Jess Jimenez na pinaniniwalaang pinagmulan ng apoy. Inaalam pa ng awtoridad ang danyos na nilikha ng apoy na naapula dakong alas-8:15 ng gabi.

Wala naman iniulat na namatay o nasaktan sa naganap na sunog. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply