Contempt ipinakakasa sa mga abogado ni Corona

NAIS ni Senador Panfilo Lacson na i-contempt ang mga abogado ni Chief Justice Renato Corona kaugnay sa pagsasapubliko ng depensa na sinuhulan ang senator-judges ng P100 milyon kapalit ng pagbalewala sa desisyong TRO ng Korte Suprema.

Igigiit aniya ng senador sa impeachment court sa kanilang caucus na pilitin ang mga abogado ng depensa na ibulgar kung sino ang source ng kanilang impormasyon na inilutang kanila tungkol sa nasabing isyu.

Giit ni Lacson, “contemptuous” ang ginawa ng depensa, gayunman, inamin ng senador na kailangan pa munang dumaan  sa consensus ng mga senador.

Sinabi ng senador, maging ang mga paglabag na ginawa ng kampo ng prosekusyon sa impeachment process ay kanila ring tatalakayin dahil na rin sa nagiging tahasang paglabag ng mga ito sa kanilang umiiral na rules.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply