Mga bagong pulis sinermunan ni Lim

SINERMUNAN ni Manila Mayor Alfredo Lim ang may 100 bagong pulis na kapapasok lamang sa serbisyo nang ito ay makipagpulong sa mga ito.

Ito ay bilang paalala na rin ng alkalde sa kanila laban sa mga tiwaling mga pulis na nasasangkot sa anomalya.

“Binigyan kayo ng gobyerno ng baril, tsapa at kapangyarihan para ipatupad ang batas at manghuli ng kriminal.  If you think the easiest way to get rich is to join the police force, you are mistaken,” ayon sa alkalde.

Isa sa inihalimbawa ni Lim ang kaso ng apat na pulis ng Manila Police District-Police Station 3 na ngayon ay isinasailalim na sa summary dismissal matapos na ituro na siyang umaresto at nangikil sa ilang Koreano noong nakalipas na buwan.

Kasama ni Lim na humarap kahapon (Pebrero 21) sa mga bagong pulis sina Chief of Staff and Media Bureau Director Ric de Guzman, Department of Public Services Chief ret. Col. Carlos Baltazar, dating Makati police at NBI operative ret. Maj. Abner Afuang at Manila Police District Director Chief Supt. Alex Gutierrez na pawang nagbigay sa kanila ng mga tips sa pagiging pulis.

Pinayuhan pa ng alkalde na hindi sila dapat matakot sa mga engkuwentro dahil bahagi iyon ng kanilang sinumpaang tungkulin.

Dagdag pa ng alkalde na maging hamon din sa kanila para lalong magsumikap sakaling makatikim sila ng panlalait  sa ibang tao.

Dapat din aniyang mag-aral pa kahit mga pulis na at nasa serbisyo na para maging abogado kung kakayanin. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply