Mga bangko walang dapat ipangamba – Trillanes

WALANG dapat ikabahala ang mga indibidwal at malalaking kliyente ng mga bangko sa bansa na maaaring malantad din ang kanilang dollar deposits sa gitna ng pananakot ng ibang kampo lalo na kung hindi naman sila “impeachable official” na tinakda sa Saligang Batas.

Ayon kay Senador Antonio Trillanes IV, walang basehan ang mga sinasabin ng ilang kampo na ang subpoena ng Senado bilang isang impeachment court na buksan ang dollar accounts na pagmamay-ari ni Chief Justice Renato C. Corona sa Philippine Savings Bank ay magreresulta sa kawalan ng privacy sa pagdedeposito sa mga banko na kalaunan ay makaaapekto sa sistema ng pagbabangko sa bansa.

Aniya,  sa ilalim ng Konstitusyon, tanging ang presidente, bise-presidente, miyembro ng Korte Suprema, ombudsman, at mga chairman at commissioner ng mga constitutional commission lamang ang sakop ng impeachment.

“Napakalinaw na ang mga mamumumuhunan, korporasyon, pribadong negosyo, pribadong indibidwal at kahit ordinaryong opisyal at kawani ng gobyerno ay hindi maapektuhan dahil hindi sila impeachable officers at hindi kailanman magiging respondent ng kahit anong impeachment case,” dagdag pa ni Trillanes.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply