Mga barko ng Philippine Navy gagamitin sa relief operations

HIHIRAMIN ng Philippine Navy (PN) ang ilang mga barko ng Naval Forces Western Mindanao na nakabase sa Zamboanga para sa relief operations sa lugar na nasalanta ng malakas na lindol nitong Lunes (Pebrero 6).

Ito ang pagkukumpirma ni Colonel Omar Tonsay, ang spokesman ng PN na tanging ang BRP Subanon pa lamang ang naatasang maglayag papuntang Cebu para ihatid ang relief goods.

Mababatid na kasalukuyang may naval blockade na isinasagawa sa Sulu at Tawi-Tawi laban sa mga dumukot sa dalawang dayuhang turista kamakailan lamang.

Ayon pa kay Tonsay kulang ang isang barko para sa mga kailangang tulong ng mga naapektuhan ng lindol kaya’t pansamantalang mawawalan ng naval blockade kunsakali.

Pero tiniyak ni Tonsay na patuloy na magiging vigilante ang militar at patuloy ang intelligence gathering sa kidnappers ng dalawang europeans.

Samantala, sa ngayon nakadaong na ang BRP Emilio Aguinaldo sa Dumaguete Pier at hinihintay ang naman ang pagdating ng C130 cargo plane dala ang water treatment generator set at ilan pang mga relief goods para sa mga evacuees sa Negros Oriental.

Dahil sa daan-daang evacuees sa Cebu at Negros Oriental naka-alerto pa ang iba pang barko ng PN para sa relief operations.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply