Mga barumbadong bus driver aalisan ng prangkisa

INIREKOMENDA ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Land Transportation and Regulatory Board (LTFRB) na alisan ng prankisa ang mga barumbadong bus driver.

Kasabay nito, sinang-ayunan na rin ni Navotas Rep. Toby Tiangco ang rekomendasyon ng MMDA sa LTFRB na kung hindi pa rin titino sa pagmamaneho ang mga bus driver sa Metro Manila kailangan nang tuldukan ang pamamayagpag ng mga abusadong tsuper.

Ayon kay Tiangco, sa dami ng naitatalang aksidente na kinasasangkutan ng mga bus, wala pa rin silang natututunang aral sa pagmamaneho sa lansangan.

Naniniwala ang mambabatas na kasalanan din ng mga bus operators ang pagiging reckless ng kanilang mga driver dahil sa kanilang mga binibigay na komisyon, kaya walang silang habas na umarangkada sa kalye kahit laging may nagaganpap na aksidente. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply