Mga botikang hindi nagbibigay ng resibo, binalaan ng FDA

HINIKAYAT ng Food and Drug Administration (FDA) ang  publiko na isumbong sa kanilang tanggapan ang pangalan ng mga botika na hindi na-iisyu ng resibo sa kanilang mga ibinibentang gamot, lalo na iyong mga sakop ng 50% price cut.

Binalaan ng FDA ang mga may-ari ng mga botika na mahaharap ang mga ito sa imbestigasyon at parusa ayon sa batas sakaling napatunayan ang kanilang mga paglabag.

Ayon kay FDA Director Nazarita Tacandong na maaaring ireport ng publiko sa kanilang mga telepono bilang: 807-0751 at 807-8275.

Maaari rin umanong agad na iulat ng publiko ang mga botika sa pinakamalapit na Center for Health Development offices ang mga hindi tumutupad sa 50% price cut.

Hinikayat ng FDA ang publiko na laging hingin ang resibo sa mga botika upang meron silang ebidensya na pagbabasehan ng kanilang reklamo sa mga lumalabag sa “Cheaper Medicine Act.”

“Refusal of any establishments or outlets to issue official receipts or to indicate the above necessary information may likewise be reported and shall be acted accordingly,” ani Tacondong.

Hanggang sa kasalukuyan patuloy pa rin ang monitoring ng FDA sa mga botika sa bansa sa pagpapatupad ng 50% price cut sa 43 mga gamot.

Binigyan naman ng hanggang Setyembre 15 ang mga maliliit na botika na may manual na imbentaryo para makatupad sa batas.

Inaprubahan ng Malacanang ang Republic Act 9711 o ang “Food and Drugs Administration of 2009” na nagpapalit sa pangalan ng Bureau of Food and Drugs (BFAD) sa FDA.

Nakapaloob din dito ang pagpapalakas sa kapasidad ng ahensya sa pagkakaroon ng mga testing laboratories, karagdagang mga opisina, kagamitan at mga tauhan.

Sa ilalim ng  batas ng magkakahiwalay na centers na magre-regulate sa manufacture, importasyon, export, distribusyon, sale at iba’t ibang produkto.  Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply