Mga doktor kontra sa mosyon ni GMA na makadalo sa burol

MISMONG ang mga doktor ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Grloria Macapagal-Arroyo ang kumontra sa inihaing urgent motion na pahintulutang makadalo sa burol ng kanyang bayaw na si Rep. Ignacio “Iggy” Arroyo na nakatakdang dumating sa Lunes (Pebrero 6).

Sa ginawang pagdinig kaninang umaga sa sala ni Pasay City Regional Trial Court (RTC) Judge Jesus Mupas, sinabi ni Dr. Antonio Sison na dapat manatili sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) si Ginang Arroyo.

Nangangailangan umanong isailalim sa tinatawag na “intensive physiotherapy” si Gng. Arroyo dahil sa dinaranas nitong cervical at lumbar osteoarthritis.

Ayon pa kay Dr. Sison, dapat na sumailalim si Gng. Arroyo sa physical and massage therapy ng tatlong beses kada linggo.

Kailangan din umanong tuloy-tuloy ang therapy session sa loob ng isang buwan.

Si Arroyo ay kasalukuyang naka-hospital arrest sa nabanggit na pagamutan dahil sa kasong electoral sabotage.

Nakasaad sa isinumiteng urgent motion na mapayagan siyang makalabas ng VMMC upang masilip ang burol ni Iggy, sakaling maibalik na ang mga labi nito sa bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply