Mga E-Jeepney solusyon sa kahirapan, polusyon

MALAKING tulong sa mga drayber ng dyipni ang pagbigay ng mga prangkisa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa ilang yunit ng mga bagong E-Jeepneys sa ilang lugar sa Metro Manila.

Ayon sa Trade Union Congress of the Philippines (TUCP), magandang ideya ang pagbibigay ng permiso na makabiyahe ang mga E-Jeepney at ang regular salary scheme ng mga drayber ng mga ito dahil bukod sa gaganda ang kita ng mga tsuper ay mababawasan pa ang polusyon sa Kamaynilaan.

Ang regular na buwanang pagpapasahod umano ay mas kapaki-pakinabang sa mga drayber kumpara sa boundary system.

Mababawasan din umano ang polusyon oras na lumawak ang pagbibiyahe ng mga E-Jeepney.

Simula bukas, ipapatupad ng LTFRB ang biyahe ng may 21 e-jeepney sa mga piling lugar sa Makati City matapos bigyan ito ng prangkisa nitong Lunes.

Umaabot sa 203,000 ang mga rehistradong mauusok na jeepneys na narehistro sa Land Transportation Office (LTO) at 50,000 ang nasa Metro Manila.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply