Mga inutil sa pagsugpo sa mga demonyong VK (2)

BIHIRANG mangyari na may isinasalang na mataas na opisyal ng gobyerno sa impeachment trial dahil sa paratang na umaabuso sa kapangyarihan.

Sa kabila ng patuloy nating mga pagbatikos sa talamak na operasyon ng mga video-karera na minamantine ng mga pasaway na “VK Lord’ na kinilalang sina Marlyn Mendoza, Kapitana Bebot dela Cruz at Nato Soriano ay patuloy naman na nagbubulag-bulagan sina Region 1 RD Gen. Franklin Bucayu at Pangasinan PD Supt. Rosueto Ricaforte.

Ang area of operation ng mga vk na minamantine nina Mendoza at Kap. Dela Cruz ay ang Dagupan City habang solo naman na namamayagpag ang mga VK ni Soriano sa bayan naman ng Bayambang Pangasinan.

Ang nakapagtataka rito ay kung bakit hindi kumikilos ang dalawang opisyal sa kabila ng ilang beses na natin silang kinalampag.

Pero kapansin-pasin na patuloy pa rin silang nagbibingi-bingihan at nagbubulag-bulagan sa talamak na operasyon ng mga makina rito.

Ang hindi ko lang alam ay kung totoo o hindi ang balita na malaki raw ang ibinibigay na lingguhang intelihensiya ng mga VK Lord na ito sa nasabing mga opisyal kaya smooth na smooth ang operation ng mga ito sa lalawigan.

Bukod sa weekly collection na natatanggap ng mga  opisyal na ito ay hinihingan din nila ng ‘goodwill’ ang mga ‘lord’ para sa paunang bayad sa  pagsisimula ng operation ng mga ito.

Gov. Amado Espino, kumilos naman kayo. Baka minsan sa paggising ninyo ng umaga e pati bunbunan nyo ay may nakalatag na rin na mga vk.

SWAPANG NA BAGMAN NI MAYOR

Ibang klase itong bagman ni Parañaque Mayor Jun Bernabe na si Buddy Sanchez.

Ibang klase kung manghingi ng ‘tara’ sa mga Gambling Lord. Sa unang bagsak ay hinihingan niya ang bawat GL ng P100K. Tapos ang weekly ay P30K at advance na P30K (sigurista pa). Abangan…

Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189-274764, 09266719269 o i-email juandesabog@yahoo. com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply