Mga kaganapan sa loob ng PBB House tumitindi

NAKAKALOKA at tumitindi na ang mga kaganapan sa loob ng “Bahay Ni Kuya.”

Sinusubok na ng malupit ni Kuya ang mga Housemate para malaman kung sino ang karapat-dapat na magwagi sa naturang reality show.

Maraming naaasar, marami rin naman ang natutuwa.

Pero ngayon, ating bibigyan ng puwang ang mga ikinaiinis ng ilang netizens.

Una marami ang inis ditech kay PBB Housemate Pamu. Paano ba naman pinagpalit ang kanyang dyowa (sa outside world) sa co-Housemate na si Kevin.

In fairness lahat naman ata ay mai-inlove sa looks ni Kevin noh? Plus malambing siya.

Haba ng hair ni Pamu ha?

Pero ang ikinaiinis ng ilang manonood ay parang hindi umano sincere si Pamu nang magharap sila ni Renz (name ng dyowang binreak dahil kay Kevin) na lalaking-lalaking humarap sa buong Pilipinas ng paunlakan si Big Brother nang lumabas siya sa isang episode ng palabas para malaman ang estado ng relasyon nila ni Pamu.

Naiisip ko tuloy na siguro this time, maaaring may kumukutya kay Renz nang iwanan siya at ipagpalit ni Pamu sa loob ng Bahay Ni Kuya.

Sana nag-wait na lang siyang matapos ang PBB, ayon sa ilang taga-subaybay.

Ito rin ang aking opinyon, kasi on national television nung i-break ni Pamu si Renz, imagine-nin mo kung ilang tao ang nanunuod kabilang ang mga kaibigan at kakilala nilang dalawa.

Well, opinyon lamang po ito ng inyong lingkod at ng ilang netizen.

At saludo kami kay Renz dahil buong tapang niyang hinarap ang masakit na katotohanan.

***

Isa pang kinainisan ay ang isang parte ng insidente na bawal papasukin ng mga Housemate ang M6 na kinabibilangan ng dating mga Housemate ni Kuya na sina Franzen, Rica, Beauty, Kigoy at Baron Geisler, dahil wala sa bahay si Kuya. Ini-lock ni Kuya ag pinto at mahigpit ang bilin ni Kuya na huwag buksan ito.

Nang pumasok kasi ang M6 sa bakuran ng Big Brother House ay ito ang kautusan ni Kuya sa mga Housemate.

Nakatutuwa namang sinunod ng mga Housemate ang bilin na ito kahit na binubuyo sila ng House player na s Paco.

Pero ang ikinainis na ilang manonood ay nang magsabi si Beauty (isa sa M6) na naiihi siya at kailangan niyang makigamit ng palikuran.

Dahil ihing-ihi na ay halos namimilipit na naki-usap si Beauty sa mga Housemate para makagamit ng CR.

Nakakaloka dahil biglang may sumigaw ng: “May tuwalya d’yan!” mula sa isa sa mga Housemate sa loob na hindi maganda ang tono.

At ang mas nakakalurka ay nang tignan ng mga manonood ang TV screen ay pangalan ni Tin (anak ni Alvin Patrimonio) ang lumabas na nagsabi ng naturang nakaiinis na pahayag.

Okay lang naman na sundin nila ang utos ni Kuya part of challenge ika nga pero huwag namang gumanoon pa!

Sa kanya kaya sabihin iyon sa ganoong sitwasyon, anu kaya mararamdaman niya?

Sa online community, may mga bumatikos sa tinutan ng dalaga but mayroon din namang nagtanggol at sinabing stressed si Tin nitong huli kaya medyo nagiging masungit at bugnutin.

Pero in fairness noong umpisa ay nakitaan natin si Tin ng sweetness sa ilang kadikit na Housemates.

***

Abangan pa ang mga magaganap sa PBB sa tuluyang pagpasok ng M6. Inutusan lang naman sila ni Big Brother na subukan ang determinasyon ng mga Housemate sa mga pagsubok na kanyag ibinibigay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply