Mga Katoliko dumagsa sa mga simbahan sa Ash Wednesday

DUMAGSA ngayong araw ang mga Katoliko sa mga simbahan para sa paggunita ng “Miyerkules De Ceniza” o Ash Wednesday.

Ang Ash Wednesday ay ang pagbubukas ng panahon ng Kuwaresma o ang 40 araw ng pagninilay-nilay ng mga Kristiyano sa kamatayan ni Kristo.

Ipinapahid sa noo ng bawat nagsisimbang deboto ang mga abo mula sa mga sinunog na palaspas na ginamit sa nakalipas na Palm Sunday noong isang taon.

Ang Kuwaresma o lent ay ang pag-ala-ala ng mga Kristiyano sa pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ni Hesu Kristo.

Dahil dito, iiwasan ng mga mananampalataya ang kumain ng karneng-kati at makipagtalik tuwing Biyernes na sakop ng Kuwaresma bilang pagngingilay sa kamatayan ni Hesu Kristo na ginugunita tuwing Biyernes Santo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply