Labi ni Cong. Iggy maiuuwi na sa susunod na linggo

DARATING sa susunod na linggo ang mga labi ni Negros Occidental Rep. Ignacio “Iggy” Arroyo, ayon sa nakatatandang anak nito na si Bianca na nagtungo sa London upang asikasuhin ang burol ng kanyang ama.

Mismong si dating First Gentleman Jose Miguel Arroyo ang nagkumpirma nito matapos na makatanggap ng text message mula sa kanyang pamangkin na kasalukuyang nasa London pa rin.

Binanggit pa ni Arroyo na pinaplantsa na ng kanyang pamangkin ang ilang detalye ng pagpapa-uwi ng bangkay ng kanyang kapatid ngunit hindi naman ito nagbigay ng ibang dahilan kung bakit nabinbin ng isang lingggo ang pagpapauwi sa mga labi ng nakababatang kapatid.

Una rito ay inihayag ng asawa ng yumaong kongresista na si Alicia “Aleli” Arroyo na iuuwi niya ang bangkay ni Iggy noong Sabado subalit nakakuha ng court order ang kinakasama ng mambabatas na si Grace Ibuna na siya ang kinikilalang malapit na kamag-anak kaya’t hindi sa kanya ibinigay at ipinagkatiwala ang pagpapauwi sa mga labi ng kongresista.

Bunsod ng bangayang ito ay napilitan si Bianca, anak nito sa kanyang unang asawa na si Marilyn Jacinto ang magpasiyang siya ang mag-uuwi ng bangkay sa Pilipinas

Kinumpirma rin ni Atty. Mike Arroyo na tuloy ang naunang plano sa pagdating ng bangkay ng mambabatas, tulad ng isang araw na necrological service sa Kamara de Representantes, dalawang araw sa Negros at tatlong araw sa kanilang ancestral home.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply