Mga nilindol pinababantayan ni PNoy sa Phivolcs

INATASAN ni Pangulong Benigno Aquino III ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na i-monitor ang mga apektadong lugar para sa posibleng karagdagang seismic activity.

Sinabi ni Pangulong Aquino na tinututukan niya ang mga development sa mga nilindol na lugar sa Visayas at Mindanao.

Ayon naman kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, regular ang kanilang ginagawang pagbibigay ng updates kay Pangulong Aquino.

Sa kabilang dako, ipinag-utos naman ni Transportation and Communication Secretay Mar Roxas kay Coast Guard commandant Edmund Tan na tiyaking hindi makapalaot ang mga mangingisda habang umiiral ang tsunami alert.

Kinalampag din si PNP Chief Nicanor Bartolome na pakilusin ang mga tauhan sa PNP Region VI at VII para bantayan ang mga mamamayan upang hindi makalapit sa baybayin at mapanatili ang kaayusan.

Sinabi rin ni Lacierda na naka-standby na rin ang Department of Social Welfare and Development personnel para magbigay ng kaukulang suporta at relief assistance sa mga apektadong residente.

Samantala, walang ipinatupad na forced evacuation ngunit pinaalalahanan nila ang mga mamamayan sa mga apektadong lugar na maging alerto at magsagawa ng kinakailangang pag-iingat.

“While there are no forced evacuations being ordered, we implore the people in affected areas to remain vigilant and take the necessary safety precautions. Let us cooperate with government agencies, allow them to do their work, and remain calm and watchful,” ang pahayag ni Sec. Lacierda.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply