Mga preso sa Quezon City jail nagwala

NAGWALA ang mga preso sa Quezon City Jail upang igiit umano ang pagbibitiw ng kasalukuyang jail warden na si Supt. Joseph Vela.

Base sa report ng dzMM, nagliliparan ang mga silya, kaldero, bote at bakal sa loob ng mga selda kung saan mga miyembro umano ng “Sputnik Gang” ang mga nagwawalang preso.

Isinisigaw din nila na ibalik ang pondo ng kanilang brigada na nagkakahalaga ng P135,000 na umano’y ninakaw.

Nabatid na nakarinig ng malakas na pagsabog ang mga mamamahayag sa likurang bahagi ng QC Police Station 10 dahilan upang matuklasan ang gulo sa QC Jail.

Samantala, pinakiusapan na ang mga nagko-cover na mamamahayag na umalis dahil may isinasagawang negosasyon sa loob.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply