Mga tauhan ng MMDA aarmasan

BINABALAK na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na armasan ang mga tauhan nito bilang proteksyon sa anumang karahasan.

Ito ay kasunod ng ilang insidente ng pamamaril at pambubugbog sa ilang tauhan ng MMDA habang ginagampanan ang kanilang tungkulin.

Binigyang diin ni MMDA Assistant General Manager For Operations Atty. Emerson, malakas ang loob ng ilan na lumaban sa mga tauhan ng MMDA dahil alam ng mga ito na walang anumang armas ang kanilang tauhan upang protektahan ang kanilang mga sarili.

Tulad na lamang ng sinapit kamakailan ng isang tauhan ng MMDA na kinuyog ng mga drag racers sa Macapagal Avenue.

Ayon kay Carlos, ilan sa kanilang naiisipang paraan ay kargahan ang mga tauhan ng MMDA ng mga stun gun para proteksyunan ang kanilang mga sarili

Samantala, pormal nang ipinatupad ng MMDA ang motorcycle lane sa kahabaan ng EDSA.

Ayon kay Carlos, simula ngayong araw ay kanila nang titikitan at pagmumultahin ng P500 ang mga namo-motor na hindi gagamit sa inilaang motorcycle lane.

Nilinaw ni Carlos na ang motorcycle lane ay ang ika-apat na linya mula sa bangketa.

Maliban dito, sinabi ni Carlos, na mahigpit din nilang babantayan ang mga hindi sumusunod sa tamang panuntunan sa pagmomotorsiklo tulad ng mga walang helmet, nakasando, nakatsinelas at ang mga nagte-text o tumatatawag gamit ang mga cellphone habang nagmamaneho.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply