Mikey Arroyo, humarap sa Pasay RTC

BILANG kinatawan ng kanyang inang si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, humarap si Ang Galing Pinoy Rep. Mikey Arroyo sa Pasay City Regional Trial Court.

Ang pagharap ni Mikey ay kaugnay sa nakatakda ngayong araw na pagresolba ng Pasay court sa hiling ng Pampanga solon na makadalaw sa burol ng bayaw nitong si Negros Occidental Rep. Ignacio Arroyo.

May hiwalay ding petisyon ang Arroyo camp na tumututol sa hiling ng Comelec na ilipat na sa regular jail facility ang dating Presidente.

Kasama ni Mikey ang ilang tagasuporta ng pamilya Arroyo na nagsagawa pa ng isang programa sa harap ng Pasay City Hall of Justice. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply