Milyones ni Corona na nai-withdraw posibleng nailabas na sa Pinas

NAGPAHAYAG ng pangamba si Akbayan Rep. Walden Bello na posibleng nailabas na umano ng Pilipinas ng pamilya ni Chief Justice Renato Corona ang milyones na nai-withdraw noong Disyembre na araw na inihain ng House Justice Committee ang impeachment complaint sa Kamara.

Ito ang sinabi ni Bello matapos ang testimonya ni Philippine Sabings Bank (PSBank) Katipunan branch manager, Annabelle Tiongson noong nakaraang linggo kung saan kinumpirma niya na isinara ni Corona ang tatlong time deposit accounts nito na naglalaman ng P32.6 milyon noong Disyembre 12, 2011.

Iminungkahi ng kongresista na dapat manmanan ito ng gobyerno dahil kung mapatutunayang ill-gotten wealth ang salapi ay nararapat itong kumpiskahin ng pamahalaan.

Nakapanghihinayang ayon kay Bello kung mababalewala lamang ang tagumpay na inaani ng taumbayan sa bawat pagkaka-ungkat ng hindi deklaradong yaman ni Corona kung maipupuslit lamang ang salapi nito palabas ng bansa.

Naunang ipinaliwanag ng depensa na ang na-withdraw sa time deposit ay sa kumpanyang Basa-Guidote Enterprises na subject ng litigasyon.

“Question now is whether the P12.02 million in BPI had not also been withdrawn by Corona alongside the three PSBank TD accounts he closed in a jiffy  and now tries to lamely explain as money belonging to Basa Guidote Enterprises, Inc., a company purportedly owned by his wife’s family,” ayon pa kay Bello.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply